Cesar magbibida sa Hollywood movie, Angelina Jolie, Nicole Kidman, at Charlize Theron gustong maging leading lady!

Si Vic del Rosario na rin ang manager ni Cesar Montano mula pa noong January at sabi ng aktor, parehas ang kontrata nila. Thankful siya sa Viva Entertainment, Inc. dahil pinagkatiwalaan siya kahit anong gustong gawin. Sa Hitman nga, hindi naging problema ang budget na umabot ng P20 million.

Maraming planong gawing pelikula si Cesar at dalawa pa ang gustong gawin this year. Isa pang action movie at ang Getting to America na ang scriptwriter na si Donald Martin ay scriptwriter din ng gagawing movie ni Angelina Jolie at movie ni Al Pacino. Si Jolie, Nicole Kidman, at Charlize Theron ang dream leading ladies ni Cesar kung magkakaroon siya ng chance na magbida sa isang Hollywood movie.

Si Cesar na rin ang gumawa ng theme song na Oh Diyos Ko! ng Hitman, pero sa mall tour, ang Cruisinang idu-duet nila ni Sam Pinto at ang wife pang si Sunshine Cruz ang pumili ng kanta.

Hindi totoong nagselos si Shine kay Sam, girl crush niya si Sam gandang-ganda at naseseksihan siya rito. Tuwang-tuwa nga ito sa kissing scene namin, sobra ang tiwala at pagmamahal ng misis ko sa akin, sabi ni Cesar.

Sa Feb. 22, ang nationwide showing ng Hitman na produced, directed, at pinagbibidahan ni Cesar under his CM Productions at distributed ng Viva Films.

Grace Lee tuluyan nang lalayasan ang GMA 7

Nalaman namin kay Arnold Vegafria na hindi pa nagpa-public apology kay Grace Lee ang news writer na si Ellen Tordesillas. Sabi ng talent manager, binibigyan nila hanggang this week ang journalist para mag-public apology sa isinulat na nakikita ni Grace ang sarili na ikakasal kay President Noynoy Aquino.

Ayaw namang magsalita ni A! rnold sa balitang lilipat na sa TV5 si Grace pero hindi rin nag-deny. Ayon naman sa nakausap naming taga-TV5, hindi pa pumipirma sa network ang dalaga pero 90 percent sure na itong pipirma.

Ibig bang sabihin, walang counter offer ang GMA 7 kay Grace at pababayaan nilang lumipat ito sa ibang istasyon?

Charlie Green nagbi-binata na, type si Sarah!

Nagkasakit si Charlie Green after mag-guest sa Once in a Lifetime concert nina Sharon Cuneta at Martin Nievera noong Feb. 11. Two days siyang na-confine sa The Medical City at lumabas lang ng Wednesday pero di nag-rest dahil nag-promote ng second album niyang Rainbow mula sa Viva Records.

Sa Italy ni-record ni Charlie ang album atproduced ni Christian de Walden at ire-release sa Europe, South America, UK, Japan, China, at dito.

Bale birthday gift ng Viva Records ang album kay Charlie na nag-birthday kahapon, hes 15 years old, guwapo, matangkad (58), at future leading man na ng Viva Films movies. Isa si Sarah Geronimo sa local artist na gusto ni Charlie.


Comments